Title SpotlightReality

Miss Q&A, 'SENIOR' Edition! Bakit may EULOGY?!

Reality

Ihanda ang damdamin, musika niya ay damhin. Si "PBB Gen 11" ex-housemate Dylan Yturralde na ang bahala sa kiig playlist mo today. Nagkuwento rin si Dylan tungol sa kanyang music journey at paano siya na-inspire ni OPM icon Rico Blanco. Sabi nila, respect your elders, kaya saludo tayo sa mga seniors na sa dami ng karanasan ay matatawag na certified life achievers. This Thursday sa Miss Q and A segment ng "It's Showtime," nagkasukatan ng seniority at timeless wit at beauty. Ang ating senyoritang sosyal at elegante, rumampa sa Miss Q&A, walang iba kundi si Señora Danica Parong Evidente. Sa isang titig niya baka ikaw ay matulala, walang kupas ang karisma ni Medusa Valentina Galema. At kayo na raw ang humusga kung tao ba o hayop si candidate Exotic Tayop. Biro ng hosts, tatawagin nating "Miss Q and A" Senior Edition ang segment for today's video dahil may twenty percent discount na ang mga 'lola' n'yo. Pero sa kulitan, full price ang tawanan. May aral din na mapupulot tungkol sa mga pangarap na hindi dapat ibaon na lang sa limot. Dahil age is just a number, pero ang 'slayable' attitude will last forever. Sa pagtitinda ng laruan, bata ang madalas nilang pinasasaya. Pero sa araw na 'to, sila naman ang nabigyan ng ligaya sa game arena. Toy sellers mula NCR ang bumida sa Laro Laro Pick. Si player Ria, never paglalaruan ang puso ng nobyong si Eric. At never niya itong ipagpapalit kahit kanino, kahit kay Ralph de Leon pa! Biceps at makinis na kutis ni Ralph, hindi umubra! Dahil walang naka-survive sa mga challenges, bumunot ng lucky player na aabante sa jackpot round, mga bes. Si Liza ang pinabalik sa game arena para sa chance na maiuwi ang malaking kwarta! #ShowtimeDiba #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Year

2026

IMDb

0

Watch Now

Hero Poster